lihim ng kwerdas



Thursday, February 04, 2010
Para Kay POL.

Narito ako ngayon sa paborito kong lundayan. Nagsasaliksik sa takdang araling inatas sa akin (na hanggang ngayon tila bagang di ko pinapansin). Kani-kanina lang may kasama pa akong mahal kong kapatid na talagang laging bukas ang tainga sa paulit ulit kong istorya tungkol sa aking paghihirap (kung talaga ngang paghihirap ang tawag dun).  Matagal ko nang ikinikwento sa kanya ang mga saloobin ko tungkol sa respeto at paggalang, pagpapatawad at pagtanggap. Napaka-insensitibo ko minsan nga eh, dahil masaya siya ngayon at heto ako, ayun nanaman ang isyu iisa lang ang dahilan.----NAHIHIRAPAN AKO SA ISANG SITWASYON.

Hindi ko gustong ibulalas ito dito. Ni hindi ko ito gustong sabihin sa buong mundo. Naghihintay kasi ako. Naghihintay lang na sana maintindihan din na matagal nang panahon iyon, sobrang tagal na, na nararapat lamang maging sibilisado na ang turingan sa isa't isa.

Ayokong pagsimulan ito ng mitsa. Ayokong maging dakilang apoy ito sa damdamin ng iba, ngunit, gaya ng aking paghinga-- para siyang bara sa aking baga, siya ang makati kong ubo, siya ang aking hika.

Ang hirap naman ng ganito, matagal ko nang pinatawad ang mga bagay na dapat ibinaon na sa lupa. Ngunit, tao lang din akong nasasaktan, dahil siya pa mismo ang kumuha ng pala para hukayin ito. Sabi ng mga kaibigan ko, habaan ko pa ang pang-unawa ko. Habaan pa ang pasensiya at latagan ko pa ng pagmamahal.

Kung noong una, ako ang naging malupit. AKo ang umiiwas, ako ang galit, ako ang ayaw sa kanyang presensiya. Dahil naman, hindi pa ba sapat na saktan mo ang puso ko? Ni hindi mo man lang ginalang ang espasyo ko?

Naghahangad ako sa iyo ng respeto. Ngunit ang damot mo. Hanggang ngayon ang damot mo.

Hanggang kailan Pol?

Hindi ka na bumabata. Ngayon ibang responsibilidad na ang hawak mo. maraming mata na ang titingin sa iyo. Bakit ngayon di mo rin iyan isinasa alang alang? mas mahalaga pa rin ba ang pride mo kaysa sa responsibilidad mo?

Mayroon tayong teachings na Walk the Talk. Paano mo masasabi na love one another kung ikaw mismo hindi mo ito sinusunod? ang sakit na. kasi di kita masasabihan, dahil nakahanda nanaman ang iyong pagsalag. tingin mo sa akin ako ang mga panang nanakit sa iyo. ako ang espadang tutuhog ng iyong pagkatao. hanggang ngayon ikaw pa rin ang bida! ikaw pa rin ang dapat pakisamahan.

ang sakit na. nakakapagod na.

kailan ka ba magtatanda? kailan ka ba magiging mapagkumbaba? bakit? mahirap ba iyong ibigay? mahirap ba talaga?





Posted at 06:47 am by sidhi
Make a comment  

Friday, January 08, 2010
Home alone

Last week i wrote about how i evade home and trade it with the streets. I was outpouring my emotions how i needed home yet home had not been the refuge i expected.

This week the great turn of events happened. Home embraced me back to its arms. I am ill and home was my doctor.

and then everything became familiar. the sala, the kitchen, the veranda, the dirty kitchen, the bedrooms, and the lavatory. Before all i knew from this house is my own room. Yet i had the chance to watch TV with my mama, i discovered that mama is having trouble sleeping without watching her favorite series. I discovered that i was really so much spending time with the streets and missing how mama cries over teleseries. how much the girls in the house do not know what they are doing, how much in control im supposed to give them. That the boys really took care of their ate and how i should keep my things in order. I realized over these past days that I should battle my irresponsibilties, i should face my actions. I shoul d be able to lift again my image at work at school at everything i do. The break i need was given in an unexpected situation.

I was able to catch up with my body, and i hope with my soul... i am learning to unlearn things and Heaven does help me..............

Posted at 12:22 am by sidhi
Make a comment  

Sunday, January 03, 2010
AMBIGUITY (2009 REFLECTION)

For most part of 2009 was bouncing back from the dust, rebounding from what's left of me and picking up the pieces of myself and glued it in its place. Some of it was successfully glued back, not noticing it was broken before, for the other pieces, i could hardly remember what part it were once in my life, painfully i have to throw these "others" in the garbage pit.  Luckily, I have found new alternatives to replace its missing place and fortunately, though some of these new particles are alien to me, it fitted my life and keep me  going again. Refresh and anew. or so i thought i was.


I was trying to tell myself the same date last year that I will decide to be happy. No more chocolates, no more ice cream to fool myself i can dwell to these food for happiness. I decided the same date last year that i will finally let go of myself of the grudges i hold on for so long. I will let myself discover an area in my life that i always dream to discover and unravel. There was discomfort, of course, in the unraveling process, yet, i always find joy in discomfort so I did go on. Much of this discomfort came from home, a place you'll never expect to be a source of it. Misunderstanding surfaces as I "enjoy" the idea of late nights and late chitchats. Home was not fond of these ideas, home was afraid that i might let myself go again in shame. That thought bothered me the whole year. and it did have great impact on me. Eventhough i do not want to admit, it became a chain in my both legs, (the chain with a big ball of metal which was only given to convicts of a higher degree penalty). The irritating part of that chain is that it is visible and audible to everybody. It made a mockery out of me. It became my misery. That's how i felt. That's how i think it was.

It was in the later quarter of the year that i boldly speak out of this situation. But as I tried to speak, there was no strong voice to be heard. Only defenses. Only pretenses. Only deaf mute opinions.
I was devastated. How can I managed to fulfill my vow for the year if my very source of happiness became my bars?
I did plan to escape and yet escaping isn't at all a good idea. because, my hands have no capacity to do so. So everytime my chains are being locked, all i can do was cry...

 

I forced myself to find the key to this madness. I forced and discovered that i need to finish what i have started seven years ago. This one is my wall to my greater freedom. I did gauge myself if I can do it. I did promise to myself that i will. Came, the semester, and all was doing fine. I took pride in pushing myself to like what i am doing. I took pride indeed. Until Pride has taken its toll against me. When I thought i was close to my freedom, when I thought i could take the key and unlock myself from this chains, i was moved to a more secluded jail. And now, no blaming against home, its me who to blame this time. I was on the verge of losing my grip, i was on the verge of jumping from a cliff and just let gravity judge me.

But all i can i do was to cry and so again all i did is cry.

The decision to be happy was tested throughout 2009. Home did not become my refuge. days were not that sunny to me. This has been the part where  the night was so inviting and the streets-- very hospitable. I found my heart lurking for roads. I found my heart loving the midnight highway, where the fresh air dampens moist on my cheeks; where my vehicle had become my witness to my solitary life; where the stars and the moon had become my ears and my confidante.


I was in love with night  journeys. It caressed my weak soul, my weak mind, my weak body. The best part of it was when i travel alone. It was melancholy, IT IS MELANCHOLY. but very peaceful. My silence had become my companion in the passenger seat.

However, as the night comforted me, home again was jealous and now grew more provocative and strict.  I can never reason out why i fell in love with the night. I just have to succumbed to the caprices of Home.

But i grew more rebellious, more assertive. Unknowingly I am hurting Home as well.

The streets became my home and strangers became my family whereas my Home became my street and my family became strangers.  Unknowingly still, Home was more hurtful than before, more hurtful than me.

I never planned to hurt home, but i am hurtful with Home. I need to find my keys to these chains which Home had put on me. I am hindered to my self discovery which i badly need during the whole year... I was helpless. and so i thought i was free from my brokeness last year, this year was traumatic.

I love home. But i have to love me as well. I am trying to please Home for the rest of my life. It sucked out a lot from me, a lot that i do not know i could even give more.

I have to be freed from my Home. I want to have a distance away from her not just because it eat all my energy up, but to preserve the respect I have for Home. And to find my way to gain respect from Home.


It was a sad part of my 2009. I have to be freed from Home.......but have no means to do so.. i will break everybody's heart and even mine if i have to crack down these chains.. BUT I NEED TO.....


my burden and my refuge,


(to be continued)




 

Posted at 10:29 am by sidhi
Make a comment  

Wednesday, November 11, 2009
evening reflection

i have been tested time and again how to really determine my acceptance and understanding of things. Right now i'm on the verge of examining again my heart... i hope he will realize someday that the most traumatic experience i had with him is wanting and expecting respect that until now he choose not to give....



Posted at 08:24 am by sidhi
Make a comment  

Saturday, August 29, 2009
Trahedya

Dumadagundong
ang paligid
nang pagbuksan ko
ang aking bintana

Ang lakas ng ulan
ay sumusuot sa
mumunting pintuang
kahoy.

Nagngangalit ang hanging
kayang itaboy
ang bubungang sawali


Niyakap ko
isa isa ang aking
mga anak....
na parang mga basang inakay
sa lundayang payak

Naglalagasan na ang
kawayan naming sahig
at humahangos
ang bakod na buho
sa bilis ng ipu-ipo.

saglit lang
nangyari ang lahat
saglit lang
ang trahedyang nambulalas
ng kanyang lakas

saglit lang ang higante
ng natural na proseso
ng panahon
saglit lang kumpara
sa pagpapabaya natin
ngayon.


Niyakap ko ang aking mga anak
na basang inakay
na nawalan ng malay..
kung noong una palang
tinuran ko na silang
lumipad, mahalin ang paligid
at lupang sapat

disin sana'y walang
ganitong
pangyayaring kahabag-habag
walang dalita, sakit
at pagkawasak

wala sana kung
panawagan ng
inang kalikasan
ay dininig naming agad!

Posted at 10:17 pm by sidhi
Make a comment  

Friday, August 28, 2009
Superhero

ang anting anting ay kailangan natin
san kaya makikita?
sa mga puso ng saging?... Magpatuloy sa Pagbasa
sa baul ni lola?

o di kaya ang pangontra sa
mga tiwaling maligno
ay ang ating pagkasinsero
matamasa ang pagtitino
ng mga binaluktot na proseso

may superhero kayang
darating?
may dalang bawang, kurus at
langis
pampahid sa nasyong
may hinagpis

nang kawangis ng mga maligno
sa bayang ito ay maalis!

Posted at 10:14 pm by sidhi
Comment (1)  

Wednesday, August 26, 2009
Lakbay

audio: http://soundclick.com/share?songid=8020800


Ang ang ganda ng buhay
dahil sa iyo paligid ko'y nagkakulay
larawan ng isang magandang alaala
nagsimula sa isang kisap mata

dito lang ba sa lupa
makikita ang katulad mo?
Pwede ba nating puntahan
ang iyong paraiso


samahan mo ako
at maglalakbay tayo
dadalhin natin ang lahat
sa naiibang mundo
maglalakbay tayo

ang
ang ganda ng bukas
kahit pa kulang ang oras
Lilimutin ang mga nakaraan
at tayo'y di na magpapaalam

dito lang ba sa lupa
makikita ang katulad mo?
Pwede ba nating puntahan
ang iyong paraiso

samahan mo ako
at maglalakbay tayo
iwanan natin ang lungkot
sa sa naiibang mundo
maglalakbay tayo

samahan mo ako
at maglalakbay tayo
dadalhin natin ang lahat
sa naiibang mundo
maglalakbay tayo oohoo


samahan mo ako
at maglalakbay tayo
iwanan natin ang lungkot sa
naiibang mundo
maglalakbay tayo ---------------------

 vocals: earl
guitar/back-up vocals: ace
bass: lester
drums:jacob
keyboards/strings: mitch
back-up vocals: sani
sound engr: jojo calapardo

------------------------------



Posted at 11:57 am by sidhi
Make a comment  

Friday, August 21, 2009
mouth shut- mind open

ISA LANG ANG MASASABI KO NGAYON!!!!!!!


isang DUMADAGUNDONG NAHHHHHHHHHHHHHH!



" KUNG AYAW NG PROTEKSIYON, TANGGALIN ANG SHIELD"


Isang kasabihan di ko malilimutan ngayong araw. ISang kasabihang magpapalawak ng aking isipan sa pag-intindi sa mga bagay na dapat intindihin kahit kasuklam suklam intindihin.


Mayroon talagang Monstrous Pride, ALL ME DEFENSIVE at Locked Closet view.   Mayroon talagang kailangang mabato, mapukpok ng maraming beses para matuto. 


Lahat ng naturan ko- prosesong masakit. Pero bakit ba kailangan ng prosesong ganyan? TIngnan natin- kung ang bato at buhangin di masala ng wasto, di mawasak ng wasto, paano makabubuo ng bahay? may mga bagay na kawasak wasak ng damdamin, ngunit ang resulta pala ay may mas malaking rason. May mga paraan naman daw na di masyado masakit-- pero naisip ko baka naman mahilaw ang leksyon na dapat matutunan ng gaya nating mortal.


Sa pag-iisip ko ngayong madaling araw, nalaman ko na hindi lahat ng magandang intensyon ay magandang unawain sa mga magagandang paratingan. Hindi lahat ng may magandang hangarin ay naiintindihan. Ang sabi ang nanay daw, masakit magbunganga kapag tama ang sinasabi, paano'y ang tanging nagpapakasakit lang naman sa kanyang mga winiwika ay ang pride at ego ng isang tao. Siya ang harang sa totoong mensahe ng pagbubunganga-- PAGMAMAHAL SA TAMANG PAGWAWASTO!


Iba ata ang pagwawasto sa paghuhusga? Ang paghuhusga ay iyong tipong wala ka man lang kalaban laban sa mga panang itunurok sa iyong likuran. Tipong, sentensyado ka na, ni hindi man lang tiningnan ang ebidensya. Iyong tipong wasak ka na, di ka na makakaahon pa. Ang pagwawasto, ay ang tipong may nakita kang mali at para sa kapakanan ng kasama mo, sasabihin mo ito nang buong tapang dahil ayaw mo siyang mapariwara, kahit pa mapahamak ka sa pagsasabi nito. Ang pagwawasto ay pagmamahal.


Para sa akin sa ating komunidad ito ang aspetong gusto ko. Ito kasi ang paraan upang mahasa ang puso natin. Hasain siya nang husto sa pagpapagal at sakripisyo. sa pagtanggap ng kamalian at pagtanggap ng kapatawaran. Ito ang sangkap upang maging brilyanteng makinang ang puso at hindi isang pipitsuging bato.



Ang pagmamahal ay hindi lamang laging pagpuri-- ito ay pagtama sa mali. Ang pagmamahal ay hindi lamang lagi sa sarili ibibigay, kundi sa lahat ng taong nangangailangan.


MATUTO NAWA TAYONG LAHAT na magmahal ng tama.... may pagpupunyagi sa pag-unawa at pagtanggap sa mga naganap na....


ISANG MAGANDANG MADALING ARAW!

Posted at 11:07 am by sidhi
Make a comment  

Wednesday, August 19, 2009
ISA II

ikaw

ang aking

destinasyon


Ako

ang iyong

Behikulo


sa sali-salising
sangandaan


sa baku-bakong
daraanan


ang usok
ang makina


nangungulila
sa sandaling paglisan



Ikaw

ang aking destinasyon

Ako

ang iyong behikulo


sabay tayong maglalakbay

papalayo

sa isang pangakong
paraiso.

Posted at 07:54 am by sidhi
Make a comment  

Sunday, August 16, 2009
Granted Prayer

Galing ako kina Babang kanina. Nakipagharutan sa mga pamangkin niya. Gustung gusto kong lambingin ang mga anak ni ate grace at siyemps si Ian na anak ni ate rhen. Naalala ko kasi ang mga kapatid ko noong inaalagaan ko pa sila. at saka masarap na talagang may bata sa bahay.... (wink wink)

Sumunod, nag-isa ako sa paborito kong bukstore. Di ko napigilang dumaan, para kasing hinhila ang mga paa ko papunta doon.  Nakilamay sa  mga crew sa paghataw ng Nobody but You at nakidalamhati kay Yang sa pag-awit ng fixing a broken heart. Hindi ko rin naabutang buo ang barkadahan dun, isa lang ang dumating. Dinama ko ang sulok ko sa tindahang iyon, kahit may estranghero sa likuran ko at ang kaibigan kong nasa labas, nag-isa, naksubsob ako sa pag-aaral ng aking talk para mamaya sa Covenant Orientation. Tungkol pa mandin sa panalangin ang aking sasabihin, bago pala ako pumunta sa shop na iyon, nagpalaya ako ng panalanging sa Maykapal. Hindi ko nga alam kung matutupad iyon, pero  nararamdaman kong ipagkakaloob Niya. At hindi ako nagkamali, tinupad Niya.

Habang dinirinig ko ang awiting Fixing a Broken Heart,  nasa harapan ko ang pag-asang sana bukas makalawa, matugunan ang mga hinihiling kong pagkakataon..... mga pagkakataon ganun, tahimik lang sa isang tabi, bukas ang mga pang-unawa..  Mga pagkakataong naiintindihan ko ang mas maraming tao maliban sa mga pangangailangan ko...... Sa pag-usad ko sa aking binabasa kanina, natagpuan ko na kaya ko pala magtiis. Kahit alam ko na ibingay na sa akin ang hiling ko, hindi ko pa rin kinuha. Dahil alam ko may tamang pagkakataon..... kahit may kaunting panghihinayang.

Ngunit, minsan sa katigasan ng ulo ko,  hindi ko na nakikita ang kaibahan ng pagbibigay ng katugunan sa aking mga panalangin.. Kapag kinain ka na talaga ng takot, wala nang tulay sa natural na pakikisama sa agos ng walang pangamba... o kaya kapag kinain ka na nang kawalan ng pagtitiwala.

PEro naniniwala ako na mas alam ng Diyos ang Kanyang mga rason kaysa sa pag-unawa ko sa mga pagkakataon. Kaya natutuwa pa rin ako dahil hinding hindi talaga maaalpasan ang kabutihan ng Maykapal.  Nakumpuni Niya agad ang aking panghihinayang. at itinuro NIya muli na kapag ang puso ang humiling ng isang mataimtim na dalangin--MANIWALA KANG IBIBIGAY NIYA ITO.

Ang galing lang kasi -iyon ang laman ng talk ko mamaya.. Di ko alam binbigyan Niya na pala ako ng experience one on one para mas madali ipaliwanag sa mga participants. Galing talaga ni Lord!!!

Umalis ako sa bukstore ng may ngiti at panatag na kalooban....

HANDA NA AKONG MAGTALK!

 

Posted at 10:42 pm by sidhi
Make a comment  

Next Page


sidhi
May 3rd 1982  (Age 27)
Female
Philippines
lihim ng kwerdas kapag ang saliw niya'y parang batingaw/ ng kampanang hudyat ng pag-asa/ kapag ang pagkalabit sa kanya'y mahinhin/ parang dalaga sa hardin kapag ang tunog niya'y buo at nangungusap ng mga/ puso at himig niya totoo/ ang kwerdas ay ako/ at walang ikukubli/ sa mundo..../
   

<< February 2010 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28

unti-unti ko nang iniintindi ang pagsibol ay katumbas ng taglagas upang sumuong sa bagong bukas... kailangang magbawas ng mga dala-dalahing katumbas na dasal-dasalin sa paglakbay sa paghakbang tanging hangad ay laging tagumpay.. Ang Tangi Kong Pag-ibig - Noel Cabangon

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed