Punong abala palagi at laging abala. hindi naman ako nagrereklamo dahil mahal ng puso ko ang mga kinakasal. kaya kahit nagkukumahog ako sa aking skedyul eh sige lang ng sige basta makita ko na ang wife-to-be ay nakangiting sobrang tamis sa kanyang kabiyak sa araw ng kanyang kasal.
Nagsimula ata ang pagiging abala ko noong nagsidesisyon ang mga elder namin sa SFC (singles for christ) na maging isa. at gusto na kasi nila umakyat sa pagiging couples. at ito na ang pasimula ng pagkahumaling ko sa mga nakakakilig na mga istorya ng pag-ibig na hinabi ng pag-ibig ng Diyos. Mayroong, ipinagdasal ang bawat isa simula nang makilala, ang isa nama'y pinagtibay ang pagsasama sa paglilingkod sa DIyos, ang isa nama'y nabihag ng musika, at ang ilan ay nagpropose sa harap ng madla at ipinagsigawan sa aming conference na mahal na mahal nila ang isa't isa.
ito ang gusto ko sa paghahanda ng kasal. hindi lang ako wedding singer, may pagkakataon din na naging ka-parte ka ng isang walang hanggang pag-ibig. At kung nakikita mo ang pagluha ng mga nagmamahal sa kanila sa nadaramang kaligayahan, kahit na anong pagod ang naranasan mo nawawala lahat dahil nakapagpasaya ka ng tao. At sila naman sa akin ay nagbigay pag-asa sa aking puso. sila ang buhay na musa ng aking mga isinulat na wedding song... sila ang patotoo ng dalisay at tunay na pag-ibig. SIla ang nagturo sa akin na sa bandang huli,kapag ako na ang naging handa, ibibigay din sa akin ng Panginoon ang nililok niya para sa akin... at pagdumating na ang panahong iyon, alam ko nasa likod ko din ang mga mag-asawang nagbigay inspirasyon sa aking paghihintay...
--
Masarap maging bahagi ng kasalan. Masarap maging bahagi ng walang hanggan. ISa sa mga mahirap gawin na awit ay mga wedding songs.. aminado ako, na tagaktak talaga ang mga pawis ko pag may humiling ng wedding songs or kumanta ako sa wedding nila. kasi gusto ko kapag naririnig nila ang mga regalo ko eh maalaala nila ang kanilang sumpang walang hanggan.. yup i believe in happy endings. i believe in marriage. that's why i love writing songs for couples.
(kahit wala pa ako doon..)
ito ay ilan lang sa mga gusto kong gawa.. para sa mga kaibigan ko...
salamat sa SFC Choir sa pagkanta nito- at kay kuya Ninyo Rey Estoysa sa pag-areglo para sa choral singing. naging makabuluhan tuloy ito sa mga kinasal....
---
1. bahagi ka
bahagi ka ng aking buhay
ngayon at magpakailanman
bahagi ka ng aking puso
kabiyak kong sinusuyo
ikaw ay bahagi ng ako
pinag-isang pag-ibig
pagsuyong pinalago
bahagi ka (ikaw ang aking minumutya)
bahagi ka (ikaw ang aking hininga)
bahagi ka laan ng Diyos
ang ating pagmamahal
bahagi ka, bahagi ka ng ako
-para sa wedding ng bestfriend ko
(sabas-maringit nuptial)
2. Lahat
lahat ng buhay ko ay para sa'yo
aking mahal
lahat ng pangarap ko
ikaw ang laman
ng pag-ibig
sa' iyo natagpuan
ang walang hanggan
sa iyo ilalaan
pagmamahal
na kaloob ng Maykapal
aking sinta
pangarap ko'y ikaw
makasama sa buhay
at sa dambana
manunumpa, manunumpa
ng walang hanggan
Tolentino-Padrones Nuptial
3. Until I found you
this is the moment
i've been
C D
waiting for
G D
i see you there
C D
ready for forevermore
G D
you are the answer
C D
to my deepest prayer
G D
i'll seek no longer
C D
i do not know despair
Em
and my heart sings
C D
with happiness and faith
G D
now i hold unto forever
C D
ON THIS DAY….
G D C
Until i found my way to you
G D
love has come
G D C
I KNOW MY DREAMS COME TRUE
Em Am
You are my heaven's gift
Em C D
NOW iM complete…
G G D C
Til i found you
3. Ika'y bituin
giliw, kasuyo ko
ang araw at buwan
sa paghihintay ng araw na ito
giliw kapiling ko
ang himig ng hangin
sa pagsumamo
na ika'y maging akin
ngayo'y takda ng Maykapal
na makapiling ka
magpakailanman
ika'y aking bituin
ika'y aking paglalambing
ika'y dalangin
pangako ng langit at pag-ibig
-- Aborot-Zabala Nuptial
4. ngayon
Ngayon pinili ko ang landasing patungo sa iyo
NGayon di magsisising magmamahal sa piling mo
sa piling mo
liligaya ang mga araw
walang lumbay bawat sandali
pag-ibig sa piling mo
Sa piling mo
kapiling ko ang bukas
hinahagkan ang walang wakas
pag-ibig sa piling mo
ngayon pinili ko ang ibigin ang katulad mo
ngayon di magsisisi magmamahal ng buong buo
Elauria-Ordonez Nuptial
5. Dance Forever
i surrender my melody
my music and me
to the one i'll spend my life with
we're dancers in this dance of life
every movement somehow
shows our faithful vow
the dreams that we share
are of God's embrace
and the love that we have
is His pure grace
we will dance forever
to eternity
we remain together
that is certainty
we'll be singing songs of love
to eternity...
Guarino-Palao Nuptial
6. Ilan
ilang pag-ibig pa
ang aking madarama
upang aking makikita
tunay na pagmamahal
na sa'yo ko lamang natagpuan
nagyon naunawaan ko
kailangan ang
luha't pagkabigo
upang landasi'y tumahak sa'yo
pusong aba'y umaasa
pag-ibig na iyong dala
pag-ibig na buong-buo
ilang pag-ibig pa
kailangang matagpuan
hubugin niya
pagkatao't dangal
upang umawit ang walang hanggan
na sa'yo ko lamang natagpuan
na sa'yo ko lamang natagpuan
-sa kasal ni ruchie
7.Salamat
Salamat sa iyong dasal
Na tinugon ng Poong Maykapal
Na ang iyong pagdating
Ay siyang aking hinihiling
Pangarap ko't panalangin
Salamat sa'yong pagmamahal
Pinagbuklod puso at isipan
Ang alay kong pag-ibig
Sa'yo laging ihihimig
Panunumpang walang hang-gan
Koro:
Salamat salamat at ika'y natagpuan
Paghahanap ngayo'y natuldukan.
Salamat salamat sa pangakong walang wakes
Salamat sa'yo aking mahal.
Salamat sa iyong dasal
Na tinugon ng Poong Maykapal
Ang alay kong pag-ibig
Sa'yo lagging ihihimig
Panunumpang walang hanggan
Koro
Coda: Salamat sa'yo aking mahal….
Virgo-Garingan Nuptial
8. I do
Two hands
holding today
Two minds
preparing to say
these two words
that lead us on our way..
Two hearts
beating as one/living as one
Two vows
made under one sun/singing one song
Two words
will begin our now..
I do, for all of my life
I do, this promise so true
I do, i love you through and through
these two words, I DO..
repeat all
coda: these two words, I DO...
Hernandez-Pagayona Nuptial
---
hihintayin ko ang araw ako naman ang pag-aalayan ng kanta..
alam ko malapit na, malapit na..
---
REPOST ITO FROM FW..
NAIS KO LANG ILAGAY DITO. MARAMI NA RIN PALA TALAGA AKONG NAGAWANG WEDDING SONGS.. HAY SANA MACOMPILE KO NA YAN SILA SA ISANG ALBUM BEFORE AKO NA ANG MAG-I-I DO.. (ASA)
:P
heheheh.
iyong ibang couple hindi ko nagawan ng kanta kasi abalang abala ako sa kasal nila.. sana makabawi ako sa inyong mga anniversary-- ( ate jean at kuya jerry,te beth and kuya rich, ate pam at kuya ivan. sorry lang hehehe)
sa mga ikakasal.. im just a text away ahahaha..