sidhi May 3rd 1982 (Age 27) Female Philippines
lihim ng kwerdas
kapag ang saliw niya'y
parang batingaw/
ng kampanang
hudyat ng pag-asa/
kapag ang pagkalabit
sa kanya'y mahinhin/
parang dalaga sa hardin
kapag ang tunog niya'y
buo at nangungusap ng mga/
puso
at himig niya totoo/
ang kwerdas ay ako/
at walang ikukubli/
sa mundo..../
unti-unti ko nang
iniintindi
ang pagsibol ay
katumbas ng taglagas
upang sumuong
sa bagong bukas...
kailangang magbawas
ng mga dala-dalahing
katumbas na dasal-dasalin
sa paglakbay
sa paghakbang
tanging hangad
ay laging tagumpay..