Galing ako kina Babang kanina. Nakipagharutan sa mga pamangkin niya. Gustung gusto kong lambingin ang mga anak ni ate grace at siyemps si Ian na anak ni ate rhen. Naalala ko kasi ang mga kapatid ko noong inaalagaan ko pa sila. at saka masarap na talagang may bata sa bahay.... (wink wink)
Sumunod, nag-isa ako sa paborito kong bukstore. Di ko napigilang dumaan, para kasing hinhila ang mga paa ko papunta doon. Nakilamay sa mga crew sa paghataw ng Nobody but You at nakidalamhati kay Yang sa pag-awit ng fixing a broken heart. Hindi ko rin naabutang buo ang barkadahan dun, isa lang ang dumating. Dinama ko ang sulok ko sa tindahang iyon, kahit may estranghero sa likuran ko at ang kaibigan kong nasa labas, nag-isa, naksubsob ako sa pag-aaral ng aking talk para mamaya sa Covenant Orientation. Tungkol pa mandin sa panalangin ang aking sasabihin, bago pala ako pumunta sa shop na iyon, nagpalaya ako ng panalanging sa Maykapal. Hindi ko nga alam kung matutupad iyon, pero nararamdaman kong ipagkakaloob Niya. At hindi ako nagkamali, tinupad Niya.
Habang dinirinig ko ang awiting Fixing a Broken Heart, nasa harapan ko ang pag-asang sana bukas makalawa, matugunan ang mga hinihiling kong pagkakataon..... mga pagkakataon ganun, tahimik lang sa isang tabi, bukas ang mga pang-unawa.. Mga pagkakataong naiintindihan ko ang mas maraming tao maliban sa mga pangangailangan ko...... Sa pag-usad ko sa aking binabasa kanina, natagpuan ko na kaya ko pala magtiis. Kahit alam ko na ibingay na sa akin ang hiling ko, hindi ko pa rin kinuha. Dahil alam ko may tamang pagkakataon..... kahit may kaunting panghihinayang.
Ngunit, minsan sa katigasan ng ulo ko, hindi ko na nakikita ang kaibahan ng pagbibigay ng katugunan sa aking mga panalangin.. Kapag kinain ka na talaga ng takot, wala nang tulay sa natural na pakikisama sa agos ng walang pangamba... o kaya kapag kinain ka na nang kawalan ng pagtitiwala.
PEro naniniwala ako na mas alam ng Diyos ang Kanyang mga rason kaysa sa pag-unawa ko sa mga pagkakataon. Kaya natutuwa pa rin ako dahil hinding hindi talaga maaalpasan ang kabutihan ng Maykapal. Nakumpuni Niya agad ang aking panghihinayang. at itinuro NIya muli na kapag ang puso ang humiling ng isang mataimtim na dalangin--MANIWALA KANG IBIBIGAY NIYA ITO.
Ang galing lang kasi -iyon ang laman ng talk ko mamaya.. Di ko alam binbigyan Niya na pala ako ng experience one on one para mas madali ipaliwanag sa mga participants. Galing talaga ni Lord!!!
Umalis ako sa bukstore ng may ngiti at panatag na kalooban....
HANDA NA AKONG MAGTALK!