lihim ng kwerdas



Saturday, August 29, 2009
Trahedya

Dumadagundong
ang paligid
nang pagbuksan ko
ang aking bintana

Ang lakas ng ulan
ay sumusuot sa
mumunting pintuang
kahoy.

Nagngangalit ang hanging
kayang itaboy
ang bubungang sawali


Niyakap ko
isa isa ang aking
mga anak....
na parang mga basang inakay
sa lundayang payak

Naglalagasan na ang
kawayan naming sahig
at humahangos
ang bakod na buho
sa bilis ng ipu-ipo.

saglit lang
nangyari ang lahat
saglit lang
ang trahedyang nambulalas
ng kanyang lakas

saglit lang ang higante
ng natural na proseso
ng panahon
saglit lang kumpara
sa pagpapabaya natin
ngayon.


Niyakap ko ang aking mga anak
na basang inakay
na nawalan ng malay..
kung noong una palang
tinuran ko na silang
lumipad, mahalin ang paligid
at lupang sapat

disin sana'y walang
ganitong
pangyayaring kahabag-habag
walang dalita, sakit
at pagkawasak

wala sana kung
panawagan ng
inang kalikasan
ay dininig naming agad!

Posted at 10:17 pm by sidhi
Make a comment  

Friday, August 28, 2009
Superhero

ang anting anting ay kailangan natin
san kaya makikita?
sa mga puso ng saging?... Magpatuloy sa Pagbasa
sa baul ni lola?

o di kaya ang pangontra sa
mga tiwaling maligno
ay ang ating pagkasinsero
matamasa ang pagtitino
ng mga binaluktot na proseso

may superhero kayang
darating?
may dalang bawang, kurus at
langis
pampahid sa nasyong
may hinagpis

nang kawangis ng mga maligno
sa bayang ito ay maalis!

Posted at 10:14 pm by sidhi
Comment (1)  

Wednesday, August 26, 2009
Lakbay

audio: http://soundclick.com/share?songid=8020800


Ang ang ganda ng buhay
dahil sa iyo paligid ko'y nagkakulay
larawan ng isang magandang alaala
nagsimula sa isang kisap mata

dito lang ba sa lupa
makikita ang katulad mo?
Pwede ba nating puntahan
ang iyong paraiso


samahan mo ako
at maglalakbay tayo
dadalhin natin ang lahat
sa naiibang mundo
maglalakbay tayo

ang
ang ganda ng bukas
kahit pa kulang ang oras
Lilimutin ang mga nakaraan
at tayo'y di na magpapaalam

dito lang ba sa lupa
makikita ang katulad mo?
Pwede ba nating puntahan
ang iyong paraiso

samahan mo ako
at maglalakbay tayo
iwanan natin ang lungkot
sa sa naiibang mundo
maglalakbay tayo

samahan mo ako
at maglalakbay tayo
dadalhin natin ang lahat
sa naiibang mundo
maglalakbay tayo oohoo


samahan mo ako
at maglalakbay tayo
iwanan natin ang lungkot sa
naiibang mundo
maglalakbay tayo ---------------------

 vocals: earl
guitar/back-up vocals: ace
bass: lester
drums:jacob
keyboards/strings: mitch
back-up vocals: sani
sound engr: jojo calapardo

------------------------------



Posted at 11:57 am by sidhi
Make a comment  

Friday, August 21, 2009
mouth shut- mind open

ISA LANG ANG MASASABI KO NGAYON!!!!!!!


isang DUMADAGUNDONG NAHHHHHHHHHHHHHH!



" KUNG AYAW NG PROTEKSIYON, TANGGALIN ANG SHIELD"


Isang kasabihan di ko malilimutan ngayong araw. ISang kasabihang magpapalawak ng aking isipan sa pag-intindi sa mga bagay na dapat intindihin kahit kasuklam suklam intindihin.


Mayroon talagang Monstrous Pride, ALL ME DEFENSIVE at Locked Closet view.   Mayroon talagang kailangang mabato, mapukpok ng maraming beses para matuto. 


Lahat ng naturan ko- prosesong masakit. Pero bakit ba kailangan ng prosesong ganyan? TIngnan natin- kung ang bato at buhangin di masala ng wasto, di mawasak ng wasto, paano makabubuo ng bahay? may mga bagay na kawasak wasak ng damdamin, ngunit ang resulta pala ay may mas malaking rason. May mga paraan naman daw na di masyado masakit-- pero naisip ko baka naman mahilaw ang leksyon na dapat matutunan ng gaya nating mortal.


Sa pag-iisip ko ngayong madaling araw, nalaman ko na hindi lahat ng magandang intensyon ay magandang unawain sa mga magagandang paratingan. Hindi lahat ng may magandang hangarin ay naiintindihan. Ang sabi ang nanay daw, masakit magbunganga kapag tama ang sinasabi, paano'y ang tanging nagpapakasakit lang naman sa kanyang mga winiwika ay ang pride at ego ng isang tao. Siya ang harang sa totoong mensahe ng pagbubunganga-- PAGMAMAHAL SA TAMANG PAGWAWASTO!


Iba ata ang pagwawasto sa paghuhusga? Ang paghuhusga ay iyong tipong wala ka man lang kalaban laban sa mga panang itunurok sa iyong likuran. Tipong, sentensyado ka na, ni hindi man lang tiningnan ang ebidensya. Iyong tipong wasak ka na, di ka na makakaahon pa. Ang pagwawasto, ay ang tipong may nakita kang mali at para sa kapakanan ng kasama mo, sasabihin mo ito nang buong tapang dahil ayaw mo siyang mapariwara, kahit pa mapahamak ka sa pagsasabi nito. Ang pagwawasto ay pagmamahal.


Para sa akin sa ating komunidad ito ang aspetong gusto ko. Ito kasi ang paraan upang mahasa ang puso natin. Hasain siya nang husto sa pagpapagal at sakripisyo. sa pagtanggap ng kamalian at pagtanggap ng kapatawaran. Ito ang sangkap upang maging brilyanteng makinang ang puso at hindi isang pipitsuging bato.



Ang pagmamahal ay hindi lamang laging pagpuri-- ito ay pagtama sa mali. Ang pagmamahal ay hindi lamang lagi sa sarili ibibigay, kundi sa lahat ng taong nangangailangan.


MATUTO NAWA TAYONG LAHAT na magmahal ng tama.... may pagpupunyagi sa pag-unawa at pagtanggap sa mga naganap na....


ISANG MAGANDANG MADALING ARAW!

Posted at 11:07 am by sidhi
Make a comment  

Wednesday, August 19, 2009
ISA II

ikaw

ang aking

destinasyon


Ako

ang iyong

Behikulo


sa sali-salising
sangandaan


sa baku-bakong
daraanan


ang usok
ang makina


nangungulila
sa sandaling paglisan



Ikaw

ang aking destinasyon

Ako

ang iyong behikulo


sabay tayong maglalakbay

papalayo

sa isang pangakong
paraiso.

Posted at 07:54 am by sidhi
Make a comment  

Sunday, August 16, 2009
Granted Prayer

Galing ako kina Babang kanina. Nakipagharutan sa mga pamangkin niya. Gustung gusto kong lambingin ang mga anak ni ate grace at siyemps si Ian na anak ni ate rhen. Naalala ko kasi ang mga kapatid ko noong inaalagaan ko pa sila. at saka masarap na talagang may bata sa bahay.... (wink wink)

Sumunod, nag-isa ako sa paborito kong bukstore. Di ko napigilang dumaan, para kasing hinhila ang mga paa ko papunta doon.  Nakilamay sa  mga crew sa paghataw ng Nobody but You at nakidalamhati kay Yang sa pag-awit ng fixing a broken heart. Hindi ko rin naabutang buo ang barkadahan dun, isa lang ang dumating. Dinama ko ang sulok ko sa tindahang iyon, kahit may estranghero sa likuran ko at ang kaibigan kong nasa labas, nag-isa, naksubsob ako sa pag-aaral ng aking talk para mamaya sa Covenant Orientation. Tungkol pa mandin sa panalangin ang aking sasabihin, bago pala ako pumunta sa shop na iyon, nagpalaya ako ng panalanging sa Maykapal. Hindi ko nga alam kung matutupad iyon, pero  nararamdaman kong ipagkakaloob Niya. At hindi ako nagkamali, tinupad Niya.

Habang dinirinig ko ang awiting Fixing a Broken Heart,  nasa harapan ko ang pag-asang sana bukas makalawa, matugunan ang mga hinihiling kong pagkakataon..... mga pagkakataon ganun, tahimik lang sa isang tabi, bukas ang mga pang-unawa..  Mga pagkakataong naiintindihan ko ang mas maraming tao maliban sa mga pangangailangan ko...... Sa pag-usad ko sa aking binabasa kanina, natagpuan ko na kaya ko pala magtiis. Kahit alam ko na ibingay na sa akin ang hiling ko, hindi ko pa rin kinuha. Dahil alam ko may tamang pagkakataon..... kahit may kaunting panghihinayang.

Ngunit, minsan sa katigasan ng ulo ko,  hindi ko na nakikita ang kaibahan ng pagbibigay ng katugunan sa aking mga panalangin.. Kapag kinain ka na talaga ng takot, wala nang tulay sa natural na pakikisama sa agos ng walang pangamba... o kaya kapag kinain ka na nang kawalan ng pagtitiwala.

PEro naniniwala ako na mas alam ng Diyos ang Kanyang mga rason kaysa sa pag-unawa ko sa mga pagkakataon. Kaya natutuwa pa rin ako dahil hinding hindi talaga maaalpasan ang kabutihan ng Maykapal.  Nakumpuni Niya agad ang aking panghihinayang. at itinuro NIya muli na kapag ang puso ang humiling ng isang mataimtim na dalangin--MANIWALA KANG IBIBIGAY NIYA ITO.

Ang galing lang kasi -iyon ang laman ng talk ko mamaya.. Di ko alam binbigyan Niya na pala ako ng experience one on one para mas madali ipaliwanag sa mga participants. Galing talaga ni Lord!!!

Umalis ako sa bukstore ng may ngiti at panatag na kalooban....

HANDA NA AKONG MAGTALK!

 

Posted at 10:42 pm by sidhi
Make a comment  

Saturday, August 08, 2009
anything for you aiza

 

ang ganda ng version na ito.....

Posted at 07:23 am by sidhi
Make a comment  

Monday, August 03, 2009
Original Weddng songs

 
 
   "Sani, ikaw ang magiging emcee ng kasal ko ha, paano kaya iyon?
eh di bah wedding singer ka din? kamusta na ba ang choir? eh ang banda?"
 
   Ito nanaman, nagsisimula nanaman ang panahon ng kasalan. (hindi ba't dapat HUnyo pa iyon, ngunit sa amin ang paboritong buwan ay setyembre hanggang disyembre) at ito nanaman ako, punong abala sa programa, sa misa, sa shower party at iba pah..

   Punong abala palagi at laging abala. hindi naman ako nagrereklamo dahil mahal ng puso ko ang mga kinakasal. kaya kahit nagkukumahog ako sa aking skedyul eh sige lang ng sige basta makita ko na ang wife-to-be ay nakangiting sobrang tamis sa kanyang kabiyak sa araw ng kanyang kasal.
   Nagsimula ata ang pagiging abala ko noong nagsidesisyon ang mga elder namin sa SFC (singles for christ) na maging isa. at gusto na kasi nila umakyat sa pagiging couples. at ito na ang pasimula ng pagkahumaling ko sa mga nakakakilig na mga istorya ng pag-ibig na hinabi ng pag-ibig ng Diyos. Mayroong, ipinagdasal ang bawat isa simula nang makilala, ang isa nama'y pinagtibay ang pagsasama sa paglilingkod sa DIyos, ang isa nama'y nabihag ng musika, at ang ilan ay nagpropose sa harap ng madla at ipinagsigawan sa aming conference na mahal na mahal nila ang isa't isa.
ito ang gusto ko sa paghahanda ng kasal. hindi lang ako wedding singer, may pagkakataon din na naging ka-parte ka ng isang walang hanggang pag-ibig.  At kung nakikita mo ang pagluha ng mga nagmamahal sa kanila sa nadaramang kaligayahan, kahit na anong pagod ang naranasan mo nawawala lahat dahil nakapagpasaya ka ng tao. At sila naman sa akin ay nagbigay pag-asa sa aking puso. sila ang buhay na musa ng aking mga isinulat na wedding song... sila ang patotoo ng dalisay at tunay na pag-ibig. SIla ang nagturo sa akin na sa bandang huli,kapag ako na ang naging handa, ibibigay din sa akin ng Panginoon ang nililok niya para sa akin... at pagdumating na ang panahong iyon, alam ko nasa likod ko din ang mga mag-asawang nagbigay inspirasyon sa aking paghihintay...

--

   Masarap maging bahagi ng kasalan. Masarap maging bahagi ng walang hanggan. ISa sa mga mahirap gawin na awit ay mga wedding songs.. aminado ako, na tagaktak talaga ang mga pawis ko pag may humiling ng wedding songs or kumanta ako sa wedding nila. kasi gusto ko kapag naririnig nila ang mga regalo ko eh maalaala nila ang kanilang sumpang walang hanggan.. yup i believe in happy endings. i believe in marriage. that's why i love writing songs for couples.
(kahit wala pa ako doon..)

   ito ay ilan lang sa mga gusto kong gawa.. para sa mga kaibigan ko...
salamat sa SFC Choir sa pagkanta nito- at kay kuya Ninyo Rey Estoysa sa pag-areglo para sa choral singing. naging makabuluhan tuloy ito sa mga kinasal....
---
1. bahagi ka
bahagi ka ng aking buhay
ngayon at magpakailanman
bahagi ka ng aking puso
kabiyak kong sinusuyo
ikaw ay bahagi ng ako
pinag-isang pag-ibig
pagsuyong pinalago
bahagi ka (ikaw ang aking minumutya)
bahagi ka (ikaw ang aking hininga)
bahagi ka laan ng Diyos
ang ating pagmamahal
bahagi ka, bahagi ka ng ako
-para sa wedding ng bestfriend ko
(sabas-maringit nuptial)

2. Lahat
lahat ng buhay ko ay para sa'yo
aking mahal
lahat ng pangarap ko
ikaw ang laman
ng pag-ibig
sa' iyo natagpuan
ang walang hanggan
sa iyo ilalaan
pagmamahal
na kaloob ng Maykapal
aking sinta
pangarap ko'y ikaw
makasama sa buhay
at sa dambana
manunumpa, manunumpa
ng walang hanggan
Tolentino-Padrones Nuptial

3. Until I found you
this is the moment
i've been
C D
waiting for
G D
i see you there
C D
ready for forevermore
G D
you are the answer
C D
to my deepest prayer
G D
i'll seek no longer
C D
i do not know despair
Em
and my heart sings
C D
with happiness and faith
G D
now i hold unto forever
C D
ON THIS DAY….
G D C
Until i found my way to you
G D
love has come
G D C
I KNOW MY DREAMS COME TRUE
Em Am
You are my heaven's gift
Em C D
NOW iM complete…
G G D C
Til i found you

3.  Ika'y bituin
giliw, kasuyo ko
ang araw at buwan
sa paghihintay ng araw na ito
giliw kapiling ko
ang himig ng hangin
sa pagsumamo
na ika'y maging akin
ngayo'y takda ng Maykapal
na makapiling ka
magpakailanman
ika'y aking bituin
ika'y aking paglalambing
ika'y dalangin
pangako ng langit at pag-ibig
-- Aborot-Zabala Nuptial

4. ngayon
Ngayon pinili ko ang landasing patungo sa iyo
NGayon di magsisising magmamahal sa piling mo

sa piling mo
liligaya ang mga araw
walang lumbay bawat sandali
pag-ibig sa piling mo
Sa piling mo
kapiling ko ang bukas
hinahagkan ang walang wakas
pag-ibig sa piling mo

ngayon pinili ko ang ibigin ang katulad mo
ngayon di magsisisi magmamahal ng buong buo
Elauria-Ordonez Nuptial

5. Dance Forever
i surrender my melody
my music and me
to the one i'll spend my life with
we're dancers in this dance of life
every movement somehow
shows our faithful vow
the dreams that we share
are of God's embrace
and the love that we have
is His pure grace
we will dance forever
to eternity
we remain together
that is certainty
we'll be singing songs of love
to eternity...
Guarino-Palao Nuptial
 

6. Ilan
ilang pag-ibig pa
ang aking madarama
upang aking makikita
tunay na pagmamahal
na sa'yo ko lamang natagpuan
nagyon naunawaan ko
kailangan ang
luha't pagkabigo
upang landasi'y tumahak sa'yo
pusong aba'y umaasa
pag-ibig na iyong dala
pag-ibig na buong-buo
ilang pag-ibig pa
kailangang matagpuan
hubugin niya
pagkatao't dangal
upang umawit ang walang hanggan
na sa'yo ko lamang natagpuan
na sa'yo ko lamang natagpuan
-sa kasal ni ruchie
 

7.Salamat
Salamat sa iyong dasal
Na tinugon ng Poong Maykapal
Na ang iyong pagdating
Ay siyang aking hinihiling
Pangarap ko't panalangin

Salamat sa'yong pagmamahal
Pinagbuklod puso at isipan
Ang alay kong pag-ibig
Sa'yo laging ihihimig
Panunumpang walang hang-gan

Koro:
Salamat salamat at ika'y natagpuan
Paghahanap ngayo'y natuldukan.
Salamat salamat sa pangakong walang wakes
Salamat sa'yo aking mahal.

Salamat sa iyong dasal
Na tinugon ng Poong Maykapal
Ang alay kong pag-ibig
Sa'yo lagging ihihimig
Panunumpang walang hanggan

Koro

Coda: Salamat sa'yo aking mahal….

Virgo-Garingan Nuptial

8. I do

Two hands
holding today
Two minds
preparing to say
these two words
that lead us on our way..
Two hearts
beating as one/living as one
Two vows
made under one sun/singing one song
Two words
will begin our now..
I do, for all of my life
I do, this promise so true
I do, i love you through and through
these two words, I DO..
repeat all
coda: these two words, I DO...
Hernandez-Pagayona Nuptial
---


hihintayin ko ang araw ako naman ang pag-aalayan ng kanta..
alam ko malapit na, malapit na..
---




REPOST ITO FROM FW..

NAIS KO LANG ILAGAY DITO. MARAMI NA RIN PALA TALAGA AKONG NAGAWANG WEDDING SONGS.. HAY SANA MACOMPILE KO NA YAN SILA SA ISANG ALBUM BEFORE AKO NA ANG MAG-I-I DO.. (ASA)
:P


heheheh.

iyong ibang couple hindi ko nagawan ng kanta kasi abalang abala ako sa kasal nila.. sana makabawi ako sa inyong mga anniversary-- ( ate jean at kuya jerry,te beth and kuya rich, ate pam at kuya ivan. sorry lang hehehe)

sa mga ikakasal.. im just a text away ahahaha..

Posted at 08:43 am by sidhi
Make a comment  

iwas

kailangan ko ng kausap
kailangan ng tengang makikinig
sa bilis ng pintig ng puso
at sa pag intindi sa damdaming
malabo

Kailangan ko ng pang-unawa
na sa panahong ito;
nasasalat ako sa mga salita
mas gusto lang ang tumunganga

mayroon bang nagbago?
hindi ba nakaraan lang ayos tayo?
wala naman akong natatandaan
kung ika'y nasaktan ko

bakit ka umiiwas?
sanhi ka ba ng sakit
o siyang aking lunas
bakit ako umiiwas
nauubusan na ng lakas?

oo alam kong malungkot ka
kailangan mo ang iyong mundo
ang hindi mo lang alam
mas malungkot ako

dahil ni hindi man lang kita
kayang pangitiin
dahil di man lang kita kayang
alaya ng bituin

kung pwede lang sana
tanggalin mo ang malisya
ako kasi sa'yo'y lubos na nag-aalala
sana kahit konti, iyong madama

bakit ka umiiwas?
sanhi ka ba ng sakit
o siyang aking lunas
bakit ako umiiwas
nauubusan na ng lakas?

bakit ka umiiwas
bakit ako umiiwas
pwede bang ito ay magwakas
kasi nawawalan na ako ng lakas.

Coda:
wala naman ibang gusto
kundi ang malaman mo
mayroong isang tao
na handang dumamay sa'yo....

sana lang mapansin mo...

 

---------

 

nagsisimula lang akong tumipa ng mga kords sa aking gitara, matagal na kasi akong nabubulok.... subok lang ulit


Posted at 08:37 am by sidhi
Make a comment  

Wednesday, July 29, 2009
ang PRINCESA sa huling performance sa testi

"

SAni, alam mo na ang role mo sa testi ha."

Yan na lang lagi ang bungad ni Assoc Dean sa akin everytime darating ang testimonial dinner, simula nang magpalit sila ng pwesto ni Mam Sara. At ako ang sagot ko- Yes ma'am.

Doon nagsimula ang unwritten contract sa pagitan ko at ng law school. At ano ba ang nakasaad doon? Na ako ang bahala sa Doxology, sa National Anthem at sa isang intermission number. At oo, minsan mas maraming Sanilyn Gianan sa program ng testi compare mo sa mga heads ng school namin.
At ginawa ko ito ng pitong taon. Oo pitong taon. ang tagal ng kontrata nuh? Dapat kasi expiration na nya last year-- na-extend pa!

Naging running joke na yan sa school. Hirit ni HSD sa akin, " Kaya pala di ka nakakagraduate, ayaw ka paalisin kasi wala nang gagawa ng trabaho mo- WALA NA SILANG TAGAKANTA!"
At dinagdagan pa ito ng ibang prof-- " Kailangan ka pala talagang ibagsak." (tama bang lagyan ng justification na ganito ang pagbagsak sa akin?)

Sa mga estudyante naman, "Ikaw nanaman ang kakanta nuh?"
" Naku, testi nanaman, concert nanaman ni ate sani"

Hay. di ko alam minsan kung matatawa ako, maiinis, maaasar, matutuwa sa mga comment na ito. Ang alam ko lang kasi noong first year ako, dahil LSG officer, inassign sa akin ang part na yan, nagustuhan nila, kaya naging tradition. Ako yata kasi ang nagpasimuno ng iaawit ang panalangin. Kagabi habang nagbabasa ako ng journal ko, me nakita ako doon na article tungkol sa pagiging doxologist- at ang sabi ko, napakahalaga ng role na iyon dahil sa pamamagitan ng boses ko nagkakaroon ng communion ang ating puso sa Diyos. Sabi nga ng isang santo, " Singing is praying twice!" MAs ramdam ang panalangin pag kinakanta ito. Di niyo ba iyon napapAnsin, mas masarap kantahin ang Ama namin kaysa bigkasin lang ito? ISang repleksyon ko iyon noong nagsasawa na ako na puros ako na lang ang gumagawa noon. pero kung ang resulta ay pagpapalapitin ang isang kaluluwa sa Maykapal-- Isa itong karangalan.

Sa intermission number naman, kadalasan na kinakanta ko rito ay inspiring songs, kadalasan dahil sa espesyal ang mga nakapasa sa puso ko, iyong awit na maglalarawan ng kanilang katagumpayan. KAya nga noong testi ng first batch ng batch namin na pumasa, " Go the Distance" ang inawit ko.

May ibang istorya naman ang " This is my NOw" ni JOrdin Sparks kungbakit ko sya napili.
Nitong nakaraang linggo, hindi ako mapakali kung ano ang aawitin ko sa sabado ng testimonial dinner. Unang nagbadya sa akin " Don't Cry out Loud!" Kasi ito ung batch song namin. kaso masyado namang malungkot at medyo luma hehehe. Pero kasi two weeks before, lagi na lang This is my now ang kinakanta ko. Dahil gustung gusto ko ang mga linya niya. Everytime na naririnig ko ang kantang iyan naluluha ako, kasi ganyang ganyan ang naramdaman ko nang hindi ako nakagraduate last year.
Sobrang, "there was a time I packed my dreams away living in a shell and hiding from myself" ang drama ng lola niyo. Sobrang broken ako last year na hindi ko namalayan na dapat i-forward ko na ang sarili ko at magdesisyon sa law school. Kaya natinag lahat ng natutulog kong diwa na magseryoso sa pag-aaral ko.. kaya nga halos isigaw ko na ang kuru ng kantang iyan This is my now... i looked around and can't believe the love i see, my FEARS BEHIND ME GONE ARE THE SHADOWS AND DOUBT THAT WAS THEN..

Sobrang tagos sa puso ang mensahe ng kanta kaya ko siya pinili. At isa pa, sa tinagaltagal ko sa gawaing iyan hehe, first time kong tumugtog ng gitara sa harapan ng law community. dati rati kasi laging minus one. eh Hindi nakabili si Atty Florida ng cd ko, kaya talagang napilitan akong tugtugin iyan. BUti na lang mabait ang Kuya SHerwin Liga at tinuruan niya ako sa guitar arrangement ng song, mas binaba nya ang key at pinasimple ang chords. Sabado lang ng tanghali ko nakuha ang chords at nagpraktis lang ng hapon. Ito pa ang first time, gumamit ako ng guitar gadget (salamat kay MArk maringit), nambulahaw pa ako sa BEans at sa bahay nila mam Maringit. Namurublema lang ako sa pagsabay sa guitar ko. hehe first time lahat. kaya nga nung tumugtog ako nag speech muna ako (na sabi nila atty eds, eh waived na daw ang speech ko pag ako na ang attend ng testi hehehe) . Sorry lang nerbiyoso eh. PEro iyon nakeri naman kahit papaano.

Pero ang awiting iyon ay alay ko rin sa aking mga katoto na talaga namang bilib ako, dahil alam ko ganun din ang nararamdaman nila sa mga pagkakataong halos ibigay na nila ang kanilang pangarap ngunit naging mas malakas silang tinahak ang landasing para sa kanila.. Ika nga ni Atty Dio- I never realized that my worst set back will lead me to my greatest Come back!" di bah. Kaya para sa kanila ito ( Atty. Florida, Atty. DIo, Atty. Pards, Atty. Nanette, Atty. Gids at Atty. Orly)

At dahil nga dyan eh nabansagan ako ni Doc Taha ng the law school Singing Diva. ( natawa talaga ako dun-- SUPERLATIVE INTRODUCTION :p)

pero hehehe, na terminate na ang contract ko with law School noong huling testi. AT AYAW KO NANG I-RENEW!!!! hehehhe

Kidding aside, masaya akong laging naibabahagi ang kung anuman ang mayroon ako. Biyaya kasi iyon ng Maykapal. KAhit pa nagkakaroon ng tunggalian ang aking sining at aking pag-aaral alam ko makakahanap ako ng paraan para magkaharap sila sa gitna at makita ng bawat isa ang balanse nila sa buhay ko. Kaya ito sana, sana maging abugadong rakista!!!

Hulyo 30, 2009
-----

Teka singit lang, halos lahat sinabi na kung ano ang binagsak nilang subject sa law school eh un ung pinakamataas nilang score sa bar.. NAPAISIP TULOY AKO hehehe... I will TOP the BAr! ahahahaha
(nice fighting spirit SANS! gradweyt ka muna!) ahahahaha Through God's providence- matatapos din yan!


Posted at 10:53 am by sidhi
Make a comment  

Next Page


sidhi
May 3rd 1982  (Age 27)
Female
Philippines
lihim ng kwerdas kapag ang saliw niya'y parang batingaw/ ng kampanang hudyat ng pag-asa/ kapag ang pagkalabit sa kanya'y mahinhin/ parang dalaga sa hardin kapag ang tunog niya'y buo at nangungusap ng mga/ puso at himig niya totoo/ ang kwerdas ay ako/ at walang ikukubli/ sa mundo..../
   

<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31

unti-unti ko nang iniintindi ang pagsibol ay katumbas ng taglagas upang sumuong sa bagong bukas... kailangang magbawas ng mga dala-dalahing katumbas na dasal-dasalin sa paglakbay sa paghakbang tanging hangad ay laging tagumpay.. Ang Tangi Kong Pag-ibig - Noel Cabangon

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed