Entry: iwas Monday, August 03, 2009



kailangan ko ng kausap
kailangan ng tengang makikinig
sa bilis ng pintig ng puso
at sa pag intindi sa damdaming
malabo

Kailangan ko ng pang-unawa
na sa panahong ito;
nasasalat ako sa mga salita
mas gusto lang ang tumunganga

mayroon bang nagbago?
hindi ba nakaraan lang ayos tayo?
wala naman akong natatandaan
kung ika'y nasaktan ko

bakit ka umiiwas?
sanhi ka ba ng sakit
o siyang aking lunas
bakit ako umiiwas
nauubusan na ng lakas?

oo alam kong malungkot ka
kailangan mo ang iyong mundo
ang hindi mo lang alam
mas malungkot ako

dahil ni hindi man lang kita
kayang pangitiin
dahil di man lang kita kayang
alaya ng bituin

kung pwede lang sana
tanggalin mo ang malisya
ako kasi sa'yo'y lubos na nag-aalala
sana kahit konti, iyong madama

bakit ka umiiwas?
sanhi ka ba ng sakit
o siyang aking lunas
bakit ako umiiwas
nauubusan na ng lakas?

bakit ka umiiwas
bakit ako umiiwas
pwede bang ito ay magwakas
kasi nawawalan na ako ng lakas.

Coda:
wala naman ibang gusto
kundi ang malaman mo
mayroong isang tao
na handang dumamay sa'yo....

sana lang mapansin mo...

 

---------

 

nagsisimula lang akong tumipa ng mga kords sa aking gitara, matagal na kasi akong nabubulok.... subok lang ulit


   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments