|
![]() "Sani, ikaw ang magiging emcee ng kasal ko ha, paano kaya iyon?
eh di bah wedding singer ka din? kamusta na ba ang choir? eh ang banda?"
Ito nanaman, nagsisimula nanaman ang panahon ng kasalan. (hindi ba't dapat HUnyo pa iyon, ngunit sa amin ang paboritong buwan ay setyembre hanggang disyembre) at ito nanaman ako, punong abala sa programa, sa misa, sa shower party at iba pah..
Punong abala palagi at laging abala. hindi naman ako nagrereklamo dahil mahal ng puso ko ang mga kinakasal. kaya kahit nagkukumahog ako sa aking skedyul eh sige lang ng sige basta makita ko na ang wife-to-be ay nakangiting sobrang tamis sa kanyang kabiyak sa araw ng kanyang kasal. Nagsimula ata ang pagiging abala ko noong nagsidesisyon ang mga elder namin sa SFC (singles for christ) na maging isa. at gusto na kasi nila umakyat sa pagiging couples. at ito na ang pasimula ng pagkahumaling ko sa mga nakakakilig na mga istorya ng pag-ibig na hinabi ng pag-ibig ng Diyos. Mayroong, ipinagdasal ang bawat isa simula nang makilala, ang isa nama'y pinagtibay ang pagsasama sa paglilingkod sa DIyos, ang isa nama'y nabihag ng musika, at ang ilan ay nagpropose sa harap ng madla at ipinagsigawan sa aming conference na mahal na mahal nila ang isa't isa.
ito ang gusto ko sa paghahanda ng kasal. hindi lang ako wedding singer, may pagkakataon din na naging ka-parte ka ng isang walang hanggang pag-ibig. At kung nakikita mo ang pagluha ng mga nagmamahal sa kanila sa nadaramang kaligayahan, kahit na anong pagod ang naranasan mo nawawala lahat dahil nakapagpasaya ka ng tao. At sila naman sa akin ay nagbigay pag-asa sa aking puso. sila ang buhay na musa ng aking mga isinulat na wedding song... sila ang patotoo ng dalisay at tunay na pag-ibig. SIla ang nagturo sa akin na sa bandang huli,kapag ako na ang naging handa, ibibigay din sa akin ng Panginoon ang nililok niya para sa akin... at pagdumating na ang panahong iyon, alam ko nasa likod ko din ang mga mag-asawang nagbigay inspirasyon sa aking paghihintay... -- Masarap maging bahagi ng kasalan. Masarap maging bahagi ng walang hanggan. ISa sa mga mahirap gawin na awit ay mga wedding songs.. aminado ako, na tagaktak talaga ang mga pawis ko pag may humiling ng wedding songs or kumanta ako sa wedding nila. kasi gusto ko kapag naririnig nila ang mga regalo ko eh maalaala nila ang kanilang sumpang walang hanggan.. yup i believe in happy endings. i believe in marriage. that's why i love writing songs for couples. (kahit wala pa ako doon..) ito ay ilan lang sa mga gusto kong gawa.. para sa mga kaibigan ko... salamat sa SFC Choir sa pagkanta nito- at kay kuya Ninyo Rey Estoysa sa pag-areglo para sa choral singing. naging makabuluhan tuloy ito sa mga kinasal.... ---
1. bahagi ka bahagi ka ng aking buhay ngayon at magpakailanman bahagi ka ng aking puso kabiyak kong sinusuyo ikaw ay bahagi ng ako pinag-isang pag-ibig pagsuyong pinalago bahagi ka (ikaw ang aking minumutya) bahagi ka (ikaw ang aking hininga) bahagi ka laan ng Diyos ang ating pagmamahal bahagi ka, bahagi ka ng ako -para sa wedding ng bestfriend ko (sabas-maringit nuptial) 2. Lahat lahat ng buhay ko ay para sa'yo aking mahal lahat ng pangarap ko ikaw ang laman ng pag-ibig sa' iyo natagpuan ang walang hanggan sa iyo ilalaan pagmamahal na kaloob ng Maykapal aking sinta pangarap ko'y ikaw makasama sa buhay at sa dambana manunumpa, manunumpa ng walang hanggan Tolentino-Padrones Nuptial 3. Until I found you this is the moment i've been C D waiting for G D i see you there C D ready for forevermore G D you are the answer C D to my deepest prayer G D i'll seek no longer C D i do not know despair Em and my heart sings C D with happiness and faith G D now i hold unto forever C D ON THIS DAY…. G D C Until i found my way to you G D love has come G D C I KNOW MY DREAMS COME TRUE Em Am You are my heaven's gift Em C D NOW iM complete… G G D C Til i found you 3. Ika'y bituin giliw, kasuyo ko ang araw at buwan sa paghihintay ng araw na ito giliw kapiling ko ang himig ng hangin sa pagsumamo na ika'y maging akin ngayo'y takda ng Maykapal na makapiling ka magpakailanman ika'y aking bituin ika'y aking paglalambing ika'y dalangin pangako ng langit at pag-ibig -- Aborot-Zabala Nuptial 4. ngayon Ngayon pinili ko ang landasing patungo sa iyo NGayon di magsisising magmamahal sa piling mo sa piling mo liligaya ang mga araw walang lumbay bawat sandali pag-ibig sa piling mo Sa piling mo kapiling ko ang bukas hinahagkan ang walang wakas pag-ibig sa piling mo ngayon pinili ko ang ibigin ang katulad mo ngayon di magsisisi magmamahal ng buong buo Elauria-Ordonez Nuptial 5. Dance Forever i surrender my melody my music and me to the one i'll spend my life with we're dancers in this dance of life every movement somehow shows our faithful vow the dreams that we share are of God's embrace and the love that we have is His pure grace we will dance forever to eternity we remain together that is certainty we'll be singing songs of love to eternity... Guarino-Palao Nuptial 6. Ilan ilang pag-ibig pa ang aking madarama upang aking makikita tunay na pagmamahal na sa'yo ko lamang natagpuan nagyon naunawaan ko kailangan ang luha't pagkabigo upang landasi'y tumahak sa'yo pusong aba'y umaasa pag-ibig na iyong dala pag-ibig na buong-buo ilang pag-ibig pa kailangang matagpuan hubugin niya pagkatao't dangal upang umawit ang walang hanggan na sa'yo ko lamang natagpuan na sa'yo ko lamang natagpuan -sa kasal ni ruchie 7.Salamat Salamat sa iyong dasal Na tinugon ng Poong Maykapal Na ang iyong pagdating Ay siyang aking hinihiling Pangarap ko't panalangin Salamat sa'yong pagmamahal Pinagbuklod puso at isipan Ang alay kong pag-ibig Sa'yo laging ihihimig Panunumpang walang hang-gan Koro: Salamat salamat at ika'y natagpuan Paghahanap ngayo'y natuldukan. Salamat salamat sa pangakong walang wakes Salamat sa'yo aking mahal. Salamat sa iyong dasal Na tinugon ng Poong Maykapal Ang alay kong pag-ibig Sa'yo lagging ihihimig Panunumpang walang hanggan Koro Coda: Salamat sa'yo aking mahal…. Virgo-Garingan Nuptial 8. I do Two hands holding today Two minds preparing to say these two words that lead us on our way.. Two hearts beating as one/living as one Two vows made under one sun/singing one song Two words will begin our now.. I do, for all of my life I do, this promise so true I do, i love you through and through these two words, I DO.. repeat all coda: these two words, I DO... Hernandez-Pagayona Nuptial --- hihintayin ko ang araw ako naman ang pag-aalayan ng kanta.. alam ko malapit na, malapit na.. --- REPOST ITO FROM FW.. NAIS KO LANG ILAGAY DITO. MARAMI NA RIN PALA TALAGA AKONG NAGAWANG WEDDING SONGS.. HAY SANA MACOMPILE KO NA YAN SILA SA ISANG ALBUM BEFORE AKO NA ANG MAG-I-I DO.. (ASA) :P heheheh. iyong ibang couple hindi ko nagawan ng kanta kasi abalang abala ako sa kasal nila.. sana makabawi ako sa inyong mga anniversary-- ( ate jean at kuya jerry,te beth and kuya rich, ate pam at kuya ivan. sorry lang hehehe) sa mga ikakasal.. im just a text away ahahaha.. |
| Leave a Comment: |