|
ikaw
ang aking
destinasyon
Ako
ang iyong
Behikulo
sa sali-salising sangandaan
sa baku-bakong daraanan
ang usok ang makina
nangungulila sa sandaling paglisan
Ikaw
ang aking destinasyon
Ako
ang iyong behikulo
sabay tayong maglalakbay
papalayo
sa isang pangakong paraiso.
|