|
ang paligid nang pagbuksan ko ang aking bintana Ang lakas ng ulan ay sumusuot sa mumunting pintuang kahoy. Nagngangalit ang hanging kayang itaboy ang bubungang sawali Niyakap ko isa isa ang aking mga anak.... na parang mga basang inakay sa lundayang payak Naglalagasan na ang kawayan naming sahig at humahangos ang bakod na buho sa bilis ng ipu-ipo. saglit lang nangyari ang lahat saglit lang ang trahedyang nambulalas ng kanyang lakas saglit lang ang higante ng natural na proseso ng panahon saglit lang kumpara sa pagpapabaya natin ngayon. Niyakap ko ang aking mga anak na basang inakay na nawalan ng malay.. kung noong una palang tinuran ko na silang lumipad, mahalin ang paligid at lupang sapat disin sana'y walang ganitong pangyayaring kahabag-habag walang dalita, sakit at pagkawasak wala sana kung panawagan ng inang kalikasan ay dininig naming agad! |
| Leave a Comment: |